May permit sa Manila city hall Lumads ‘magkakampo’ ng dalawang linggo sa Liwasang Bonifacio

Magkakampo ang  grupong Lumads sa Freedom Park hanggang Nobyembre 12. EDD GUMBAN  

MANILA, Philippines - Matapos na mabigyan ng permit ng Manila City hall, tatagal ng halos dalawang linggo sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, sa Maynila ang mga Lumads.

Kinokondena ng grupo  at ilang militanteng grupo ang pagpatay sa mga katutubo at karahasan sa Mindanao. 

Magkakampo ang  grupong Lumads sa Freedom Park hanggang Nobyembre 12.

Ayon kay Atty. Fortune Mayuga, hepe ng Business Per­mits and Licensing Office, pinahintulutan nila ang mga Lumads na mag-rally at magkampo sa Lawton bilang pagrespeto sa kanilang kalayaan sa pamamahayag at pagtitipon. 

“The permit is until Nov. 12. They are allowed to stay in Liwasan to exercise their freedom of speech and assembly,” ani  Mayuga.

Tiniyak naman ni Manila Police District Director, Chief Supt Rolando Nana, na ibibi­gay nila ang seguridad sa mga nagpoprotestang Lumad sa buong panahon ng kanilang pananatili sa Liwasang Bonifacio.

 

Show comments