^

Metro

Dahil sa lutong ulam, obrero kritikal sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kritikal ang kondisyon ng isang construction worker nang saksakin sa tiyan ng isang diumano’y Muslim na nakasabay nito sa pagbili ng lutong ulam sa isang karinderya, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ugat ng pagtatalo diumano ang suhestiyon ng biktimang si Alfonso Javier, 29, residente ng Mandaluyong City, sa hindi kilalang suspek na bilhin na lamang ang isang uri ng luto sa baboy.

Sa ulat ni PO1 Saturnino Ancheta, ng P. Algue Police Community Precinct (PCP) dakong alas 6:00 ng hapon nang maganap ang pananaks­ak sa Claro M. Recto Avenue, panulukan ng Narra St. Tondo.

Nabatid na nagkasabay sa pagbili ng pagkain ang suspek at biktima. Nakita silang nag-uusap hinggil sa tindang ulam ng karinderya ng mauwi umano sa mainit na pagtatalo.

Natuklasan sa gitna ng pagtatalo na galit ang suspek sa pagkain ng baboy dahil ito ay isang Muslim. Napikon at bumunot ng patalim ang suspek na itinarak sa tiyan ng biktima at mabilis na tumakas.

Dinala sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktima at inilipat pa sa Jose Reyes  Memorial  Medical Center (JRMMC) kung saan ito isasa­ilalim sa surgical operation.

ACIRC

ALFONSO JAVIER

ALGUE POLICE COMMUNITY PRECINCT

ANG

CLARO M

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

JOSE REYES

MANDALUYONG CITY

MEDICAL CENTER

NARRA ST. TONDO

RECTO AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with