MANILA, Philippines - Binuo ng Quezon City government ang 200-man humanitarian mission upang magbigay ng ayuda sa tatlong bayan na nasalanta ng bagyong Lando sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Vizcaya at Bulacan na na-adopt ng lokal na pamahalaan .
Ang QC mission ay inorganisa ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ay tutulak sa Baler, Aurora; Bambang, Nueva Vizcaya at San Miguel, Bulacan para magbigay ng tulong sa mga apektadong pamilya doon, tulad ng gamot, ready-to-eat food, generator sets at construction tools at mga materyales.
Ayon kay DRRMC action officer Elmo San Diego, ang city’s humanitarian mission ay magkakaloob din ng technical assis-tance para sa pagpapanumbalik sa ilang gusali ng pamahalaan na sinalanta ng bagyong Lando gaya ng health centers, mga paaralan at barangay halls.
Sinabi ni San Diego na ang QC government ay planong magbigay ng P50 milyong halaga ng ayuda sa bawat lungsod na kanilang ina-dopt.
Bago magtungo sa mga sinalantang lugar ang humanitarian mission ng QC ay nagsagawa muna ng assessment doon ang mga tauhan ng QC hall para matiyak ang mga kailangang ayuda na maipagkakaloob sa mga biktima ng bagyo.
Bukod dito, tutulungan din ng QC government ang mga lokal na pamahalaan ng Tolosa, Palompon at Sta. Fe sa Leyte na nasalanta naman ng bagyong Yolanda noong 2013.