^

Metro

Publiko pinag-iingat ng PNP pekeng pari kakalat sa mga sementeryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbigay babala ang PNP sa publiko sa umano’y inaasahang pagsusulputan ng ilang mga kawatan kabilang na ang mga pekeng pari sa mga sementeryo partikular na sa Metro Manila upang mambiktima ng mga magpapabendisyon sa mga puntod ng mga namayapa kaugnay ng paggunita sa Undas.

Dahil dito, muling nagpaalala  kahapon si PNP Chaplain Service Deputy Chief of Admi-nistration Supt. Lucio Rosaroso kasabay ng pagsasabing  dapat na maging vigilant at mapagmasid ang publiko.

Karaniwan na uma­no tuwing sasapit ang Undas , ayon kay Rosaroso na gumagala ang mga pekeng pari sa mga sementeryo na nag-aalok ng pagbe-bendisyon sa mga puntod .

Nabatid na sumi-singil ang mga pekeng pari ng P150.00- P200.00 pataas kapalit ng kanilang mga isinasagawang pekeng bendisyon.

Ang naturang mga pekeng pari ay todo abito pa umano, may dalang pang-bendis-yon para magmukha ang mga itong alagad ng simbahan at makapanlinlang ng publiko.

Samantalang karaniwan na rin ayon pa kay Rosaroso na sa mga sementeryo sa Metro Manila gumagala ang nasabing mga pekeng pari dahilan sa probinsiya ay kilala ng mga tao ang mga lehitimong pari.

Samantala, iniha­yag naman ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Carlito Galvez, na nasa 4,000 sundalo ang idedeploy ng AFP para tumulong sa PNP sa pagmimintine ng seguridad sa Undas.

Nilinaw naman ni Galvez na mayorya sa nasabing mga sundalo ay idedeploy sa mga checkpoints at chokepoints sa Metro Manila .

Inihayag nito na kabilang pa sa deployment ay ang mga K 9 teams bitbit ang mga K 9 bomb sniffing dogs at maging ang Explosives Ordnance Division (EOD) team.

ACIRC

ANG

CARLITO GALVEZ

CHAPLAIN SERVICE DEPUTY CHIEF OF ADMI

DEPUTY CHIEF OF STAFF

EXPLOSIVES ORDNANCE DIVISION

LUCIO ROSAROSO

METRO MANILA

MGA

OPERATIONS BRIG

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with