^

Metro

Pagresolba sa trapik sa Makati, pinatututukan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabilis na maresolba ang mga problema sa trapiko sa lungsod, inatasan ni Makati Acting Mayor Kid Peña ang Makati Public Safety Department (MAPSA) na palawigin ang oras ng pagseserbisyo hanggang alas-10 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes sa pamamagitan ng pagdagdag ng bagong shift .

Ang bagong  shift na magsisimula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ay dagdag sa regular na oras ng trabaho na nagsisimula mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. 

Ang nasabing hakbang ay ipinatupad upang maresolba ang mga problema sa trapiko lalung-lalo na ngayong malapit na ang kapaskuhan. Layon din nito na mabantayan ang trapiko paglampas ng alas-5 ng hapon kung kailan sarado na ang mga opisina sa lungsod.

“Ngayong ipinatupad na ang karagdagang shift, masisiguro nating maagap nang mabibigyan ng tulong ang mga tao at hindi na kaila­ngan­ maghintay kinabukasan o hanggang Lunes para mare­solba ang kanilang traffic-related concerns. Kabilang dito ay mga reklamong tungkol sa towed vehicles at iba pang mga insidente na maaaring mangyari kapag Biyernes ng hapon,” sabi ni Peña.

Siniguro naman ni Arch. Elmer Cabrera, officer-in-charge ng PSD kay mayor na ang mga PSD traffic investigators ay magtatrabaho hanggang alas-10:00 ng gabi upang mag­bigay ng serbisyo.

Noong Setyembre 21, iti­nalaga ni Cabrera ang da­ting MAPSA traffic officer at bagong imbestigador ng Internal Affairs Office (IAO) na si Joseph Torrecampo Marzan upang pamunuan ang bagong shift.

Ayon kay Marzan, sa pag­sisimula ng bagong shift, nag­pahayag ng kasiyahan ang mga motorista sa Makati para sa mabilis na paglutas ng kanilang mga alalahanin patungkol sa trapiko.

Maliban sa mga towed vehicles at aksidente, iniimbestigahan din ng PSD-IAO ang mga reklamo at akusasyon laban sa MAPSA traffic officers, at iba pang mga iregularidad sa pagpapatupad ng patakaran at regulasyon sa trapiko.

Samantala, ipinapatupad pa rin ng PSD ang 24/7 deployment ng mga traffic enforcers sa mga pangunahing lansangan sa siyudad upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at commuters.

ACIRC

ALAS

ANG

ATILDE

BIYERNES

ELMER CABRERA

INTERNAL AFFAIRS OFFICE

JOSEPH TORRECAMPO MARZAN

MAKATI ACTING MAYOR KID PE

MGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with