^

Metro

LRT-1 at MRT-3, magkasunod na nagkaaberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang naabala at nainis ang maraming bilang ng mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT-1) at Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa magkasunod na pagkakaroon ng aberya sa kanilang biyahe, kamakalawa ng gabi.

Nabatid mula sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na unang tumirik ang isang bagon ng LRT-1 sa Cen­tral Station dakong alas-4:30 ng hapon habang patungo ito ng Baclaran.

Napilitang pababain ang mga pasahero sa kabila ng rush hour upang hindi na lumikha pa ng disgrasya dahil pansamantalang itinigil ang
biyahe hanggat hindi naibabalik sa depo ang nagkaproblemang tren.

Dakong alas-7:00 naman­ ng gabi nang magkaroon­ ng aberya ang isang bagon ng MRT-3 habang bumibiyahe ito sa southbound lane ng Ortigas Station.

Pinababa rin ang mga pa­sahero at ibinalik sa MRT-3 depo sa North Avenue station ang tumirik na tren.

Pero habang ibinibiyahe ay muling nagkaproblema ang bagon sa bahagi ng Cubao station, kaya naantala rin ang biyahe ng mga kasunod na tren.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe sa Roosevelt Avenue sa Quezon City patungo ng Baclaran Parañaque at vice versa habang ang MRT-3 ay North Ave­nue, Quezon City patungo ng Edsa, Pasay City at vice versa.

ACIRC

ANG

BACLARAN PARA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVE

NORTH AVENUE

ORTIGAS STATION

PASAY CITY

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with