MANILA, Philippines – Asahan ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA dahil sa pagpapatuloy na gagawing road re-blocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend. Abiso ito kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Nabatid na sinimulan na alas-10:00 kagabi ang road re-blocking at matatapos ito sa Lunes (Oktubre 26). Ang mga apektadong lugar ay ang bahagi ng southbound partikular sa may Estrella St. hanggang Sen. Gil Puyat Avenue. Gayundin ang kahabaan ng South Super Highway East Service Road mula harapan ng bakanteng lote bago ang PNCC compound hanggang harapan ng PNCC gate. Kaya payo ng MMDA sa mga motorista, iwasan ang nabanggit na mga lugar upang hindi maabala sa trapik.