MANILA, Philippines - Nagkaaberya na naman ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) Line-1 kahapon.
Ayon sa LRT Authority (LRTA), naganap ang aberya pasado alas-7:00 ng umaga sa southbound lane malapit sa Carriedo station.
Nagkaroon ng air leak ang isang bagon nito kaya’t pinababa ang mga pasahero. Natigil ang biyahe ng mga tren dahil kinailangang itulak ng service train ang nagkaaberyang bagon patungong Central Station.
Kaagad din namang naibalik sa normal ang ope-rasyon ng mga tren pasado alas-8:00 ng umaga matapos na maialis sa riles ang nasirang bagon nito.
Ang LRT-1 ay nag-uugnay ng Roosevelt Ave., sa Quezon City at Baclaran, Parañaque City.