^

Metro

LRT-1, nagkaaberya na naman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaaberya na naman ang biyahe ng Light Rail   Transit  (LRT) Line-1 kahapon.

Ayon sa LRT Authority (LRTA),  naganap ang aber­ya pasado alas-7:00 ng umaga sa southbound lane malapit sa Carriedo station.

Nagkaroon ng air leak ang isang bagon nito kaya’t pinababa ang mga pasahero. Natigil ang biyahe ng mga tren dahil kinailangang itulak ng service train ang nagkaaberyang bagon patungong Central Station.

Kaagad din namang na­ibalik sa normal ang ope-rasyon ng mga tren pasado alas-8:00 ng umaga matapos na maialis sa riles ang nasirang bagon nito.

Ang LRT-1 ay nag-uugnay ng Roosevelt Ave., sa Quezon City at Baclaran, Parañaque City.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BACLARAN

CARRIEDO

CENTRAL STATION

KAAGAD

LIGHT RAIL

QUEZON CITY

ROOSEVELT AVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with