^

Metro

Joy at SB magkatuwang sa pagsusulong ng libreng edukasyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pinasigla kaha-  pon ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang programang libreng paaral para sa mga kapuspalad sa lungsod sa ilalim ng ‘‘Joy of Public Service Program’’ katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at tanggapan ni House Speaker Sonny Belmonte.

Target ng naturang programa na mabigyan ng libreng paaral ang mahigit  400 estudyante mula sa district 1 hanggang district 6 para makapagtapos ng 2 year course sa college.

Kahapon, isinagawa sa QC hall grounds ang programa kung saan maraming mga kabataang taga-lungsod ang na-interview ng DSWD personnel para sa libreng pag-aaral.

Sinasabing magkatuwang ang mag-amang Belmonte sa pagtataguyod  sa proyekto upang mabigyang pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan sa lungsod na makapagtapos sa pag-aaral para mapaunlad ang kanilang buhay.

Una dito, nagkaloob din ang mag-ama ng libreng edukasyon para sa 4-year course sa college katuwang naman ang Commission on Higher Education (CHED) kung saan ang bawat mag-aaral na benepisyaryo ng proyekto ay tatanggap ng minimum na P3,000 financial assistance kada semester   at may maximum na P12,000 financial assistance depen-de sa kursong kukunin ng estudyante.

“Nais ko na susunod na taon na maging number 1 ang QC sa larangan ng edukas-yon kaya’t patuloy tayong magpapatupad ng mga programa para sa pag-aaral ng mga kabataan sa ating lungsod” pahayag ni Vice Mayor Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na sentro ng kanyang mga progra-ma sa mga darating na taon ang pagpapahusay pa sa mga social services kasama na ang pagpapasigla ng edukasyon sa lungsod.

ACIRC

ANG

BELMONTE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HIGHER EDUCATION

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

JOY OF PUBLIC SERVICE PROGRAM

MGA

NBSP

VICE MAYOR BELMONTE

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with