^

Metro

Anak ni Jawo, pinayagang makapagpiyansa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa tig-P120,000 sa bawat kaso ang inireko­mendang piyansa ng Ma-kati City Prosecutors Office laban sa anak ng basketball living legend at dating senador Robert Jaworski matapos itong makipagbarilan sa mga pulis habang aarestuhin ito  sa isang  buy-bust gun running operation noong nakaraang buwan sa nabanggit na lungsod. 

Sa tatlong pahinang re­solusyon ng Makati City Prosecutor’s Office, naka­kita ito ng probable cause laban kay Ryan Jaworski hinggil sa mga kasong kinakaharap nito, kabilang  ang 4 counts attempted mur­der at paglabag sa Section 28, Republic Act 10591 (Illegal Possession of Fire Arms). Sa bawat isang kaso ay nag­rekomenda ng P120,000 piyansa.

Kasama ni Jawors­ki ang kasabwat at driver nitong si Joselito Au, na  nahaharap din ng kapareho ding mga kaso.

Samantala, ang kaso namang paglabag sa   Section 3, Republic Act 10591 (Selling and Direct Assault upon an agent of person in authority), na kinakaharap pa rin ng batang Jaworski  ay binasura naman ng naturang piskalya.

Binasura rin ng piskalya ang kontra kaso na isinampa ni Jaworski laban sa mga pulis.

Matatandaan, na no­ong madaling-araw ng Setyembre 26 ng taong kasalukuyan ay nakipagbarilan ang batang si Jaworski; driver nitong si Au at isa pang kasama nito sa mga kagawad ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nang aares­tuhin  kaugnay sa  gun-running operation.  

 

vuukle comment

ACIRC

CITY PROSECUTORS OFFICE

ILLEGAL POSSESSION OF FIRE ARMS

JAWORSKI

JOSELITO AU

MAKATI CITY PROSECUTOR

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NBSP

REPUBLIC ACT

ROBERT JAWORSKI

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with