Namekeng concessionaire sa NAIA, kinasuhan
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal ang umano’y namekeng concessionaire matapos nitong dayain ang isang umano’y kontrata para makakuha ito ng ‘‘lounge spaces’’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Nakilala ang kinasuhan na isang Janette Cordero, President ng Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc. (PAGSS). Sinampahan ito ng kaso sa Office of the City Prosecutor sa Pasay City .
Ang kasong pamemeke umano ng ‘lease contract’ at sinasabing dinaya rin ang pirma dito ng isang mataas na opisyal sa NAIA.
Ayon sa naantalang ulat, ang PAGSS ay may dalawang malaking puwesto sa Terminal 1, isang 344-square meter lounge na may P227,040 kada buwan ang upa noon pang 1999 at isang 118.27-square meter lounge na inuupahan ng P59,246 monthly mula noong 2014.
Umuupa ang PAGSS’ sa pamamagitan ng “month-to-month” basis. Ang nasabing kompanya ay binigyan hanggang Mayo dahil hindi na nito puwedeng i-renew ang kanyang puwesto.
Dahil sa pangyayaring ito ipinakita diumano ni Cordero ang kontrata ng kanyang mga puwesto at balido ito noong February 2015 hanggang 2016.
Sinasabing may depekto ang dokumentong ipinakita ni Cordero na nang tingnan ang kontrata ay natuklasang peke ang pirma ng ilang opisyal sa MIAA.
- Latest