Obrero napatagay, sinaksak patay

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki makaraang saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang tu­matagay ng alak sa   isang tindahan sa Navotas City, Linggo ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang si Bonifacio Manuel, 52, ng  Bagong Kalsada, Brgy. Bacog, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima galing sa trabaho dakong ala-1:50 ng madaling araw sa kanilang lugar nang mapatagay ng alak sa kanyang kapitbahay sa tapat ng isang sari-sari store.

Dito sumulpot ang hindi nakilalang salarin at walang sabi-sabing sinaksak sa katawan ang biktima saka mabilis na tumakas. Sinaklolohan naman ng mga kapitbahay si Manuel subalit hindi na umabot pang buhay sa ospital.

Isinasailalim naman ng pulisya sa im­bestigasyon ang kapitbahay na nagpatagay sa biktima upang makilala ang salarin.

Show comments