MANILA, Philippines – Dahil sa hindi na maka-yanan ang ginagawang panlalalit sa kanya ng kanyang kinakasama kung kaya nagpasya na lamang magpakamatay sa pama-magitan nang pagbibigti ang isang babae, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Jenny Oklonario, 35, ng Tenement Building, Punta, Santa Ana, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, na-ganap ang insidente ala-1:30 kahapon ng madaling araw sa tinitirhang bahay ng live-in partner ng biktima na si Almario Flores, 54 sa M. Dela Cruz St., Brgy. 127, Zone 13, Pasay City.
Bago ang insidente, nabatid na habang natutulog ang biktima ay nakikipag-inuman naman ang live-in partner nitong si Flores at dahil sa maingay ay nagi-sing si Oklonario.
Dahilan upang kausapin nito si Flores at sa halip na tumigil ang lalaki, nilait-lait nito ang kinakasama.
Muling bumalik ang babae sa kanilang kuwarto at pinatay nito ang lahat ng ilaw.
Nang umakyat na si Flores ay doon nito nakita ang nakabigti nang biktima.
Iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.