MANILA, Philippines - Isang lalaki na hinihinalang ‘tulak’ ng droga at kalalaya pa lamang ng bilangguan ang pinagbabaril at napatay sa harap mismo ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng.9mm caliber pistol sa ulo at katawan ang biktima na nakilalang si Jojo Mariano, 40, ng Katapatan St., Brgy., Muzon ng nasabing lungsod
Ayon sa pulisya naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling araw habang nakikipagkwentuhan ang biktima sa isang Marvin Garcia, 19, nang biglang dumating ang hindi nakilalang suspek at sunud-sunod na pinutukan si Mariano.
Matapos ang insidente ay mistulang walang nangyari na naglakad lamang ang suspek palayo habang naiwan naman ang duguan at walang buhay ang biktima kung saan sampung basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente.