^

Metro

P2.4-M ATM robbery dating mga kawani ng bangko target ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Target ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) na busisiin ang mga dating kawani ng Bank of the Philippines (BPI) na siyang hinala nilang nasa likod sa pagtangay sa halagang P2.4 million cash sa loob ng isang ATM ng isang bangko kamakailan sa lungsod.

Ayon kay Insp. Alan Dela Cruz, hepe ng robbery section QCPD-Criminal Investigation and Detention Unit, pinalalagay nilang ang dating mga kawani ng bangko ang nasa likod ng nasabing robbery dahil lumalabas na may alam ang mga ito sa makina ng ATM.

Gayunman, hindi rin nila anya isinasantabi ang motibo ng inside job dahil nakapokus ang kanilang pagsisiyasat sa sinumang nasa loob na may nalalaman umano sa pag-aayos ng ATM.

Matatandaang natangay ng pares na armadong riding-in-tandem ang kabuuang halagang P2.433.700 milyon sa loob ng ATM ng bangko noong October 13, 2015.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumabas na sinira muna ng hindi natukoy na suspect ang ATM upang buksan ito ng technicians at kumpunihin.

Habang kinukumpuni ng dalawang technician ang makina dumating ang apat na lalaking nakasuot ng helmet at pumasok sa booth saka inutusan ang mga una na buksan ito bago sini­mulan ang paglimas sa laman nito.

Sabi ni dela Cruz, walang security guard nang mangyari ang insidente. Mayroon mang naitalaga pero tapos na itong mag-ikot sa lugar nang mangyari ang insidente.

 

vuukle comment

ACIRC

ALAN DELA CRUZ

ANG

AYON

BANK OF THE PHILIPPINES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

CRUZ

GAYUNMAN

HABANG

MATATANDAANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with