MANILA, Philippines – Pinangunahan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng isang proyekto para bigyang pagpapahalaga ang mga mangangalakal na ipakilala ang kanilang mga likhang produkto sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Inilunsad ang proyekto sa Megatrade hall 2, 5th level ng Mega B, SM Megamall sa Mandaluyong City na may temang “Kabuhayan National Livelihood 2015” kung saan ay nagsama sama ang may 270 merchants sa buong bansa.
Ayon kay Belmonte, president at chairperson ng Congressional Spouses Foundation, Inc. benipisyaryo ng proyekto ang World Vision na tumutulong sa maraming mahihirap na mamamayan kung kaya nararapat lamang na bigyan ito ng suporta.
Sabi pa ng bise alkalde, malaking biyaya ang natanggap ng kanilang proyekto na nararapat lamang anyang ibalik ito sa mga mahihirap nating kababayan. Bukod dito, malaki din anya ang naitutulong ng proyekto sa mga merchants dahil kumikita na sila ay naipapakita pa nila ang kanilang mga gawa at kakayahan mula sa kanilang sariling probinsya. Kaya naman hinikayat ni Belmonte ang lahat ng mamamayan na suportahan ang mga gawa ng ating mga kababayan dito sa Pilipinas.
Ang proyektong shop for a cause at kabuha-yan 2015 ay isang fund raising event na naglalayong tumulong sa mga mahihirap na pamilyang Pinoy sa bansa.
Dagdag ni Belmonte, naging matagumpay ang nasabing event dahil sa suporta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Metrobank Foundation.
Ang CSFI ay isang non-profit organization na kinabibilangan ng 270 spouces, siblings at mga children ng mga miyembro ng House of Representatives na nagsagawa ng socio-civic activities para makatulong na mabawasan ang kahirapan, foster education, rehabilitate abused women, promote ang turismo, at ibahagi ang mahusay na practices sa ibang panig ng rehiyon.