^

Metro

Pagawaan ng pekeng pera, dokumento sinalakay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Sinalakay ng mga ope­ratiba ng Criminal Investigation and Detec­tion Group (CIDG)  ang isang puwesto ng sindikato sa pag-imprenta ng mga pekeng US dollars at peso, sa C.M. Recto Ave­nue, Sta. Cruz, Maynila, kung saan nadakip ang apat na katao, kamaka-la­wa ng hapon.

Ang aksiyon ay bunsod ng reklamong idinulog ng United States (US) Embassy  sa CIDG-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) hinggil sa pagbabayad ng pekeng P1,000 bill  para sa pagbabayad ng visa noong nakaraang Setyembre. Ang nasabing pekeng peso bill at ipinadala sa Bangko Sentral ng Pilipinas at kinumpirmang peke.

Naaresto sa raid sina BM Hinguillo, Leonora Boyles, Mark John Payas, at John Ryan de Guzman sa C. M. Recto Avenue kung saan nakumpiska ang isang  Land Transportation Office (LTO) blank pouch, mga LTO blank Official Receipt (OR) form, iba’t ibang pangalan ng mga pekeng lisensiya ng LTO, mga lisensiya ng baril, ilang piraso ng LTO hologram, firearms and explosive division (FED) hologram, 56 piraso ng pekeng  US 100 dollars, 145 piraso ng 1000 peso bill, 135 piraso ng 500 peso bills, isang Laptop, 2 computer desktop, t iba’t ibang accessories at paraphernalia sa pamemeke.

Nakapiit pa sa Manila Police District (MPD) ang mga suspek habang hi­nihintay pa ang isasam­pang reklamo sa Manila Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Chief Insp.Wilfredo Valerio Sy, na  alas-2:00 ng hapon ng Ok­tubre 14 nang salakayin ang lugar ng mga suspek.

ACIRC

ANG

BANGKO SENTRAL

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETEC

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JOHN RYAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEONORA BOYLES

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with