^

Metro

P50-M shabu nakumpiska, 5 Chinese huli

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAID-SOTG) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang limang Chinese national kung saan nabawi ang may P10 kilo ng shabu na nagkakahalaga  ng  P50 milyon sa  isinagawang drug-buy bust operation Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni NCRPO Director Chief/ Supt. Joel Pagdilao ang mga naarestong suspek na sina Xiong Bun Sy, 33, Alexamder Go Jua, 57, Chang Cheng Xu, 41 Guo Weng, 46, at Zeng Yong, 30, na pawang mula sa Fukien China at nakatira sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila. 

Ang buy-bust operation ay ginawa ng RAID-SOTG sa pangunguna ni Chief/Insp. Robert Razon  sa Congressio-nal Road corner EDSA, Quezon City dakong alas 6:00 ng umaga.

Dito ay nagpanggap na buyer ang pulis ga-mit umano ang marked money na bibili ng P4-milyong shabu.

Nagkasundo ang kanilang transaksyon sa Congressional Road corner EDSA partikular sa tapat ng Mercury Drug sakay ang mga suspek ng kanilang dalawang kotse na silver na Toyota Altis na may plakang ZRW-851 at isang kulay puti na Hyundai Accent (ABG-6547) nang dumating sa lugar kung saan nangyari ang pag-aresto.

vuukle comment

ALEXAMDER GO JUA

ANG

CHANG CHENG XU

CONGRESSIONAL ROAD

DIRECTOR CHIEF

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

FUKIEN CHINA

GUO WENG

HYUNDAI ACCENT

JOEL PAGDILAO

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with