^

Metro

Wanted na parak, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog na ang isang pulis na wanted sa kasong robbery at inuugnay sa pagdukot umano sa isang tricycle driver sa Quezon City na hinuhulidap sa halagang P20,000 subalit nakatakas nang dalhin sa isang bahay sa Tondo, Maynila, sa ulat ng Manila Police District-station 7 kahapon.

Nabatid na AWOL ang status ng suspek na si PO2 Manuel Fuentes, 33, dating nakatalaga sa PNP headquarters sa Camp Crame, at residente ng Molave St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang madakip ang suspek  sa Brgy. 232 Zone 21, District 2,  Tondo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni   Judge Bibiano  G. Colasito, ng Manila RTC  Branch 50 sa kasong robbery.

Magugunita na noong nakaraang 3 buwan ay nadakip ng  MPD-PS 1 ang suspek matapos ireklamo sa kasong  kidnapping kaugnay sa pagdukot sa tricycle driver na residente ng Quezon City subalit nakatakas nang iwanan sa isang bahay na safehouse sa Tondo, Maynila at humingi ng tulong sa Algue Police Community precinct.

Lulong umano sa iligal na droga ang suspek at may ebidensiya ang foootage ng CCTV na ang suspek ay palakad-lakad na may sukbit ng baril sa erya ng Antonio Rivera sa Tondo.

ALGUE POLICE COMMUNITY

ANG

ANTONIO RIVERA

CAMP CRAME

JUDGE BIBIANO

MANILA POLICE DISTRICT

MANUEL FUENTES

MAYNILA

MOLAVE ST.

NBSP

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with