MANILA, Philippines – Pormal nang nagharap kahapon ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlong term bilang bise-alkalde sa lungsod.
Sa Comelec District 1 sa Quezon City Hall compound si Belmonte nag-file ng COC kasama ang mga konsehal ng lungsod at libu-libo nitong tagasuporta partikular ang grupo ng mga kababaihan sa lungsod.
Sinabi ni Belmonte na plano niyang higit pang palakasin ang social services projects laluna sa mga programang laan sa mga kabataan tulad ng edukasyon.
“Gusto kong maging number 1 ang QC sa edukasyon, higit pa nating palalakasn at dadagdagan ang social services at disaster reduction” pahayag ni Belmonte.
Bilang Tourism Czar, sinabi ni Belmonte na pasisiglahin pa niya ang QC bilang tourism district kung saan ang mga open spaces sa lungsod ay mapapakinabangan ng mga mamamayan.
Si Belmonte sa ikalawang term sa QC bilang Vice Mayor ay ibat ibang mga programa ang naipatupad partikular na ang mga livelihood projects sa mga kababaihan, single mom at single tatay, scholarship programs, environment programs, AlkanSSSya program sa mga TODA sa lunsod,LGBT programs, health programs, programa sa mga nabibiktima ng karahasan, nasasangkot sa paggamit ng illegal drugs at iba pa.