MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies kahapon. Ang oil price hike ay pinangunahan ng Pilipinas Shell at Total, na inanunsyo nila kamakalawa ng gabi.
Nabatid na tumaas ng P0.65 kada litro ang kanilang diesel o krudo at nasa P0.70 naman ang kanilang kerosene, samantalang wala naman paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo ito kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw.
Gayundin ang Total, tumaas ang kanilang krudo ng kahalintulad na halaga at epektibo ito alas-6:00 kahapon ng umaga, wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang gasolina at kerosene. Asahang mag-aanunsiyo rin ang iba pang oil companies na may kahalintulad na halaga.
Ayon kay Ina Soriano, ng Pilipinas Shell ang kanilang ipinatupad na oil price hike para sa diesel at kerosene ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nabatid, na huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ay noong Oktubre 6 ng taong kasalukuyan.