MANILA, Philippines - Isang tren ng Philippine National Railway (PNR) ang tumirik sa Taguig kahapon ng tanghali. Ayon kay Paul de Quiros, tagapagsalita ng PNR, isang southbound train nila sa FTI at Nichols Station sa Taguig City ang nasira pasado alas-2:00 ng hapon matapos na pumutok ang langis ng turbo charger nito.
Umusok ang tren ngunit nilinaw ni Quiros na hindi naman ito nasunog. Kaagad naman nagpadala ng panibagong tren ang PNR bilang pamalit sa nagkaaberyang tren.
“Hindi siya sunog, mausok lang kasi, kaya ang ginawa ng PNR ay nag-dispatch kami ng kapalit na makina para mapalitan,” ani Quiros. Matapos ang mahigit isang oras ay naibalik sa normal na operasyon ng PNR.