^

Metro

Tren ng PNR, tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tren ng Philippine National Railway (PNR) ang tumirik sa Taguig kahapon ng tanghali. Ayon kay Paul de Quiros, tagapagsalita ng PNR, isang southbound train nila sa FTI at Nichols Station sa Taguig City ang nasira pasado alas-2:00 ng hapon matapos na pumutok ang la­ngis ng turbo charger nito.

Umusok ang tren ngunit nilinaw ni Quiros na hindi­ naman ito nasunog. Kaagad naman nagpadala ng panibagong tren ang PNR bilang pamalit sa nagkaaberyang tren.

“Hindi siya sunog, mausok lang kasi, kaya ang ginawa ng PNR ay nag-dispatch kami ng kapalit na makina para mapalitan,” ani Quiros. Matapos ang mahigit isang oras ay naibalik sa normal na operasyon ng PNR.

ACIRC

ANG

AYON

ISANG

KAAGAD

MATAPOS

NICHOLS STATION

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAY

QUIROS

TAGUIG

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with