MANILA, Philippines - Naghain na ng kanyang kandidatura kahapon ng umaga si Manila 5th District congressman Amado Bagatsing sa district office ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila.
Alas-9:45 ng umaga nang tanggapin ng Comelec ang certificate of candidacy ni Bagatsing kasama ang mga kandidato sa pagka kongresista sa iba’t-ibang distrito ng Maynila sa ilalim ng local partylist na Kabaka.
Ayon kay Bagatsing kailangang matapos na ang pahirap ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Manilenyo habang wala rin naman umanong mga proyekto na naisasakatuparan ito sa loob ng tatlong taon.
Nagsisisi rin si Bagatsing sa ginawa nitong pagsuporta kay Estrada noong 2013 nang tumakbo ito sa pagka-alkalde ng Maynila, hindi umano niya akalain na mas pahihirapan pa ni Estrada ang mga taga Maynila.
“Si Lim nilubog ang Maynila sa utang, tapos si Estrada, binaon sa hirap ang Manilenyo”, ani Bagatsing.