MANILA, Philippines – Sinipa ng Office of the Ombudsman ngayong Biyernes si Makati Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay Jr. mula sa kaniyang serbisyo kaugnay ng kasong administratibong isinampa laban sa kaniya.
Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang tuluyang pagsipa kay Binay dahil sa grave misconduct and serious dishonesty.
Kaakibat ng naturang kautusan ang pagka-diskwalipika niya na umupo sa anumang pwesto sa gobyerno.
Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Binay na si Makati Rep. Abigail Binay na hindi pa natatanggap ng kaniyang kapatid ang kautusan ng Ombudsman.
Sinuspinde ang lalaking Binay kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapagawa ng Makati City Science High School building.
Kasalukuyang nakaupo ngayon bilang acting Mayor si Vice Mayor Kid Pena.