MANILA, Philippines – Isang indipendiyenteng anti-corruption watchdog ang nagranggo sa Parañaque bilang nangunguna at mas sumusunod kumpara sa ibang mga lungsod sa Metro Manila kaugnay ng kampan-ya sa pagsugpo sa red tape at katiwalian sa mga transaksyon sa city hall.
Binigyan ng Bantay.ph ang Parañaque ng over-all score na 90.73 percent na katumbas ng 4.5 star para manalo at matalo ang iba pa sa 16 na lunsod sa kalakhang Maynila.
Sumusunod dito ang Marikina, 89.15; Taguig, 83.66; Mandaluyong, 82.88; at Malabon, 82.61 na pawang kabilang sa top five.
Iniskoran sila batay sa ilang kategorya tulad ng fixer alert, facilities, basic compliance, transparency at process flow.