^

Metro

‘Huling hirit’ sa voter’s registration

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang “Huling Hirit campaign” para mahikayat ang mga botante na magparehistro o magpa-validate ng ka­nilang biometrics at upang iwasan na ang pagsisiksikan sa last minute para sa natitirang 2 linggo.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang “Huling Hirit” campaign ay ilulunsad mula Oktubre 17 hanggang 31.

Sa huling update ng Comelec, aabot sa 2 milyon na botante ang kailangan pang sumailalim sa biome­trics validation.

Pinakamarami ay mula sa Region 4-A, Region 4-B, NCR, Region 3, Region 5, Region 7 at Region 9.

Samantala, pinag-aaralan nila na dagdagan na lamang ng oras ang kada araw o 12 oras na registration hours mula Oktubre 17-31.

Maging ang araw ng Sabado at Linggo sa dalawang huling linggo ng Oktubre ay ilalaan habang tuloy pa rin ang mall registration sa ibang lugar.

Nilinaw niya na kanselado ang voters registration mula Oktubre 12 hanggang 16 para sa pagbibigay daan sa filing ng certificate of candidacy o COC.

ACIRC

ANG

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

HULING HIRIT

ILULUNSAD

LINGGO

NILINAW

OKTUBRE

PINAKAMARAMI

REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with