^

Metro

UDM gagawing mas competitive - UDM president

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Unibersidad De Manila President Atty. Ernest Maceda na mas magiging competitive student ang mga magsisipagtapos sa nasabing unibersidad.

Ang paniniyak ay ginawa ni Maceda  kasabay ng  pagtatalumpati ni  Senador, Bongbong Marcos noong Miyerkules kung sinabi ng  senador ang  hindi tamang  nangyayaring pamamalakad ng gobyerno.

Bagama’t marami nang magagaling na produkto ang  UDM, kailangan pa rin ang  pagpupursige upang makasabay sa galing ng iba pang  unibersidad sa kabila ng  kakapusan sa pera upang makapag-aral.

Batay  na  rin sa pahayag ni Senator  Marcos, hindi ina­asahan ng kanyang  misis na si Atty. Liza Araneta-Marcos na nagpapakita ng  tiyaga, pagpupursige at sipag ang mga estudyante ng  UDM, kaya’t  ito ang paborito nitong unibersidad na tinuturuan. Kailangan lamang ang  suporta ng  pamahalaan.

Paliwanag ni  Maceda, mas maraming estudyante sa mga government university ang magagaling subalit hindi nabibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang  galing dahil na rin sa kakulangan ng  pantustos sa gastusin.

Kaugnay nito, tinawag ni Maceda na ‘visionary’ ang senador dahil na rin sa  galing nito sa pagpaplano  at pangangailangan para sa maunlad na bansa. Isa sa mga naisip ng  Marcos ay ang  windmill sa Bangui, Ilocos Norte.

Nakakalungkot lamang aniya dahil  ang mga maayos at tamang pagpaplano ay nahahaluan ng pamumulitika.

Samantala, nagpahayag naman ng paghanga  ang ilang konsehal   sa naging talumpati ni  Marcos . Ayon kina Manila 1st District Councilor Ernix Dionision, 5th District Councilors  Cassy Sison at TJ Hizon, nagbigay inspirasyon si Marcos  hindi lamang  sa mga estudyante kundi maging sa mga guro.

vuukle comment

ANG

BONGBONG MARCOS

CASSY SISON

DISTRICT COUNCILOR ERNIX DIONISION

DISTRICT COUNCILORS

ERNEST MACEDA

ILOCOS NORTE

LIZA ARANETA-MARCOS

MACEDA

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with