^

Metro

Parolado lumabag sa mga kondisyon, balik-kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto  ng Manila Police District-Station 6 ang isang 32-anyos na drug convict na inisyuhan ng Department of Justice (DOJ) ng order of arrest at recommitment upang maibalik sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglabag umano sa mga kondisyong isinasaad sa Board of Pardons and Parole (BPP) kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Robert C. Domingo, hepe ng MPD-Station 6, alas-11:30 ng tanghali nang maaresto ng kaniyang mga tauhan ang paroladong si Salvador Donayre Jr. ng Int. 14-A Dayang st., Sta. Ana, Maynila sa bisa ng order of arrest and recommitment.

Batay sa dokumentong hawak ng MPD, si  Donayre Jr. ay nahatulan ng makulong mula sa 6-8 taon sa paglabag sa Republic Act 9165 section 11 (possession of illegal drugs) at 6 na buwan  hanggang 4 na taon naman para sa paglabag sa section 12 (possession of paraphernalias) ng Manila Regional Trial Court Branch 16. Bukod pa ito sa ipinataw na multa na may kabuuang P110,000.00.

Noong Setyembre 18, 2012, si Donayre ay nabiyayaan ng parole o napalaya subalit kailangang  tuparin ang mga nakasaad na kondisyon.

Subalit dahil sa kabi­guang magreport ni Donayre noong Enero 10, 2013 sa Probation and Parole Supervisor at paglabag sa nos. 2, 8 at 14 na kondisyon na nagsasaad na dapat niyang sundin ang iniaatas ng supervisor, dapat siyang magreport at hindi nagpakita ng matagal at nang bisitahin sa address ay lumipat ito ng tirahan. Hindi  rin nagpaliwanag kung bakit bigo siyang lumutang sa BPP supervisor.

Naging dahilan ito upang magpalabas si Na­tividad G. Dizon, ang chairman of the board ng BPP ng nasabing kautusan na ibalik ito sa bilibid.

Nakatakdang ilipat mula sa detention cell ng MPD-Station 6 patungong NBP sa Muntinlupa City, sa kus­todiya ng Bureau of Corrections (BuCor) upang pagsilbihan ang ilang taon pang hatol sa kaniya sa kasong kinasangkutan.

A DAYANG

ACIRC

BOARD OF PARDONS AND PAROLE

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONAYRE

DONAYRE JR.

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with