^

Metro

4 na suspects timbog kinidnap na Indian national, nasagip ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga ope­ra­tiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyanteng Indian national na dinukot at pinahirapan ng isang kidnap for ransom group sa isang safehouse sa Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Sa pulong-balitaan, sinabi­ ni NBI Director Virgilio Men­­dez na walang ransom money­ na naibigay sa pag­laya ng biktimang si Jujhar Singh dahil sa maigting na intelligence gathering lamang para sa pagtukoy at matagum­pay na operasyon ng grupong pinamunuan ni NBI-National Capital Region Di­rector Max Salvador.

Ayon kay Dir. Salvador, nai-rescue ang biktima sa isang safehouse sa Banay-banay, Cabuyao, Laguna. Doon nadatnan ng operatiba ang biktima na nakaposas ang mga kamay at naka-kadena ang mga paa sa bintanang bakal. Nabatid na pinahirapan ang biktima sa loob ng 6 na araw. Una umanong humingi ng ransom money na P20-mil­yon ang sindikato sa kapatid ng biktima.

Noong Sept. 25, 2015 nang dukutin ang bik­tima­ habang naniningil ng pautang sa Edison St., Makati City.Kinaladkad at isinakay ito sa puti na van na sinabing nirentahan lamang bago inilipat sa back-up na convoy Fortuner at dinala sa safehouse.

Nang ireport sa NBI, na­ging mabusisi ang kanilang pagtunton hanggang sa ma­­tagpuan ang biktima sa pi­nag­dalhang bahay.

Naging daan na rin ito para madakip naman sa Ge­­neral Trias, Cavite ang mastermind ng grupo na si Zahr-Ahmed Chaudry, isang Pa­kistan Na­tional, at bayaw nitong si Jimmy Cortez sa General Trias Cavite, pati na ang da­lawang iba pang umano’y miyembro ng sindikato na sina Joshi Tarun at Pradeep Kumar Sharma na parehong Indian national­ na nadakip naman sa Maynila.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang baril, cellphone, SUV, at iba pang mga dokumento na may ki­nalaman sa kidnapping.

Nakatakda namang isa­ilalim sa inquest proceedings­ ang mga suspek na sinampahan ng kasong kidnapping for ransom at illegal possession of firearms.

Iniimbestigahan pa ang mga posibleng kasabwat ng sindikato na miyembro umano­ ng Philippine Na­tional Police (PNP) dahil ang nakuhang pistol ay PNP issued.

ACIRC

ANG

DIRECTOR VIRGILIO MEN

EDISON ST.

GENERAL TRIAS CAVITE

JIMMY CORTEZ

JOSHI TARUN

JUJHAR SINGH

MAKATI CITY

MAX SALVADOR

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with