MANILA, Philippines - Pansamantalang binuk-san ang tig-isang southbound at northbound lane ng Ayala Bridge sa Maynila kahapon.
Ito’y kasunod ng apat na araw na pagsasara ng tulay dahil sa isinagawang rehabilitation, repair at retrofitting dito.
Subalit ang nasabing lane ay para lamang sa mga light vehicles.
Muli itong isasara para sa pagkukumpuni sa Sabado at Linggo at muli ring bahagyang bubuksan sa Lunes.
Sa Nobyembre 1 pa inaasahang magiging fully operational ang Ayala Bridge bagama’t pagsapit pa ng Pasko tinatayang matatapos ang pagkukumpuni rito.