MANILA, Philippines – Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang 10 pang katao, na karamihan ay mga bata nang ara-ruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) habang naglalaro ang mga biktima sa Brgy. San Miguel, Pasig City, kamakalawa ng hapon.
Sinasabing inatake ng hypertension ang driver ng SUV kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at natumbok ang mga biktima.
Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Renz Allen Alejandrino, 10, residente ng Dr. Pilapil St., sa Brgy. San Miguel, bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.
Samantala, sugatan naman at ginagamot sa dalawang magkahiwalay na pagamutan ang iba pang biktima na sina Salvador Sison, 6; Mark Alejandrino; Renee Anne Bagol, 5; Ruby Anne Bagol, 17; John Dave Baris, 15; John Dave Baris, 15; Reden Catlogo; Archie Manlapaz,; Raymond Tekiko, 12; Alvin Carlos, 13; Alicel Antonio, nasa hustong gulang.
Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insi-dente.
Lumilitaw sa imbestigasyon na bumibiyahe ang driver ng Mitsubishi Montero wagon (CTA-140) na si Raul Gailo Lapuz, sa lugar nang bigla na lang itong atakihin ng sakit na hypertension hanggang maararo ng nawalang kontrol na sasakyan ang mga batang biktima na naglalaro sa lugar, gayundin ang ilang pedestrian doon.
Nabangga rin nito ang hulihang bahagi ng isang Nissan Sentra Sedan (THZ-176).