^

Metro

Paslit, inararo ng SUV, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang 10 pang katao, na karamihan ay mga bata nang ara-ruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) habang naglalaro ang mga biktima sa Brgy. San Miguel, Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Sinasabing inata­ke ng hypertension ang driver ng SUV kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at natumbok ang mga biktima.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Renz Allen Alejandrino, 10, residente ng Dr. Pilapil St., sa Brgy. San Miguel, bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, sugatan na­man at ginagamot sa dalawang magkahiwalay na pagamutan ang iba pang biktima na sina Salvador Sison, 6; Mark Alejandrino;  Renee Anne Bagol, 5; Ruby Anne Bagol, 17;  John Dave Baris, 15;  John Dave Baris, 15; Reden Catlogo;  Archie Manlapaz,;  Raymond Tekiko, 12;  Alvin Carlos, 13; Alicel Antonio, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insi-dente.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bumibiyahe ang driver ng Mitsubishi Montero wagon (CTA-140) na si Raul Gailo Lapuz, sa lugar nang bigla na lang itong atakihin ng sakit na hypertension hanggang maararo ng nawalang kontrol na sasakyan  ang mga batang biktima na naglalaro sa lugar, gayundin ang ilang pedestrian doon.

Nabangga rin nito ang hulihang bahagi ng isang Nissan Sentra Sedan (THZ-176).

ACIRC

ALICEL ANTONIO

ALVIN CARLOS

ANG

ARCHIE MANLAPAZ

BRGY

DR. PILAPIL ST.

JOHN DAVE BARIS

MARK ALEJANDRINO

NBSP

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with