MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng Quezon City-Regio-nal Trial Court (QC-RTC) ng reclusion perpetua o 40-taon pagkabilanggo si dating Abra Governor Vicente Valera matapos mapatunayang guilty sa kasong 2 counts ng murder kaugnay sa pagpatay kay ex-Abra Congressman Luis Bersamin at police escort nito noong December 2006.
Kaugnay nito, 12 taong kulong naman ang hatol ni Quezon City RTC branch 94 Judge Roslyn Rabara-Tria sa kapwa akusado ni Valera na sina Rufino Panday at Leo Bello dahil sa kasong frustrated murder.
Sa rekord, si Bersamin at bodyguard na si SPO1 Adolfo Ortega ay nabaril at napatay sa harap ng maraming tao nang dumalo sa kasal ng anak ng una noong December 16, 2006 sa Mount Carmel Church sa lungsod Quezon.
Sa insidenteng ito, nasugatan at naisalba ang buhay ng driver ni Bersamin na si Allan Sawadan. Si Rep. Bersamin ay kapatid ni Justice Lucas Bersamin.
Sina Valera at mga kasama nitong suspek ay kinasuhan nang isang Freddie Dupo na nagsumite ng affidavit noong October 20, 2007 na nagtuturo na si Valera ang utak umano ng naturang pamamaslang.
Nakakita ang korte ng matibay na ebidensiya laban sa mga akusado dahil sa testimonya ni Dupo hinggil sa umano’y pagsasabwatan ng mga akusado para planuhin na paslangin si Bersamin.
Sa kanyang testi-monya, sinabi ni Dupo na ang pagpatay kay Bersamin ay plinano noong 2005 sa isang beach house sa La Union habang nandoon si Valera .