^

Metro

Peña handang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang harapin ng kampo ni Makati City Acting Ma­yor Romulo “Kid” Peña ang kasong isinampa sa kanya ni dating Makati City Vice Mayor Bobby Brillante sa Ombudsman.

Giit ng kampo ni Peña, walang  basehan at pawang kasinungalingan ang kasong isinampa laban sa kanya ni Brillante, na may kinalaman sa umano’y maanomalyang bidding process sa cake na ibinibigay  ng lungsod sa mga senior citizens, na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

“This is outright ridiculous. How can be that possible when our bidding process where Goldilocks was selected was above board and even open to the media for public scrutiny?” ani Gilbert Delos Reyes, tagapagsalita ni Peña.

Malinaw aniya na ang kaso ay isang paninira lamang sa reputasyon ni Peña na seryosong nagsusulong ng pagbabago at paglilinis sa city hall.

Ang lahat ng hakbang  na ginagawa umano ng kasalu­kuyang administrasyon ay du­maan sa legal na proseso at walang tinatago.

“Ang malabnaw na kasong ito ay patunay lamang na natatakot na ang pwersa ng katiwalian sa mga repormang ipinatutupad ni Mayor Peña sa Bagong Makati,” dagdag pa ni  De los Reyes.

Nakakatiyak umano silang maibabasura rin ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na  ba­sehan  para suportahan ito.

Sa isinampang reklamo ni Brillante, sinasabi nitong  nagkaroon umano ng iregularidad sa naturang bidding process  ng cake partikular ang pagkakaroon ng overpriced.

Ang Goldilocks ang nanalong bidder na kung saan ay nag-iisa lang din itong lumahok sa bidding.

Kasong paglabag sa Anti  Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement And Reform Act ang isinampang reklamo.

Matatandaan, na ang pa­­mimigay ng cake ni suspen­ded Makati City Mayor Jun­jun Binay ay naging kontrobersyal dahil sa alegasyon  na ito umano ay over­priced  at sinasabing ang supplier nito ay konektado sa mga Binay.

Dahilan upang ipasya ni Peña na palitan ang supplier nito nang maupo ito bilang acting mayor ng lungsod.

ACIRC

ANG

ANG GOLDILOCKS

ATILDE

BAGONG MAKATI

BINAY

GILBERT DELOS REYES

GOVERNMENT PROCUREMENT AND REFORM ACT

GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with