Bangkay ng sanggol iniwan sa bangketa

MANILA, Philippines – Isang hinihinalang kasisilang lang na sanggol na nakasilid sa isang kahon ng sapatos ang natagpuan sa isang bangketa ng walang puso nitong magulang sa lungsod Quezon, kahapon­ ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, natagpuan ang sanggol ng dalawang batang nangangalakal ng basura sa may kanto ng North Avenue at Elliptical Road, sa lungsod, alas 12:30 ng madaling araw.

Ang sanggol ay tinatayang nasa pitong buwan pa lamang­ at maaring kasisilang lamang nang makita ng mga mangangalakal sa nasabing lugar.

Kuwento ng mga rumespondeng tropa ng MMDA enforcer, inakala raw ng mga bata na kalakal na ma­aring pakinabangan ang nakitang kahon na nakasilid pa sa isang kulay green na plastic, pero nang kanilang buksan ay bumu­laga sa kanila ang nasabing sanggol.

Ipinadala na sa otoridad ang nasabing sanggol para sa kaukulang disposisyon.

Show comments