^

Metro

Tricycle, pedicab sa EDSA at national road, huhulihin ng HPG

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayon ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang paghuli sa mga tricycle at pedicab na makikitang bumibiyahe sa national Road o kahabaan ng Edsa.

Ayon kay HPG Director Chief Supt. Arnold Gunna­cao, ang sinumang ma­hu­huling driver ng tricycle at pedicab ay kanilang titike­tan na ang kapalit ay may mul­tang P1,600. Mas ma­laki ang nasabing danyos kaysa sa kinikita nila sa maghapong pamamasada.

Gayunman, tanging paniniket lamang ang kanilang gagawin at bahala na ang Land Transportation Office (LTO) para sa paniningil nito.

Ginawa ang pagbabawal ng mga tricycle at pedicab sa Edsa dahil sa nakakadagdag din ito ng problema sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansa­ngan.

Hindi naman sakop ng linya ng kanilang mga tricycle at pedicab ang Edsa subalit, nagkalat ang mga ito sa Edsa na nagiging sanhi upang bumagal ang takbo ng daloy ng mga sasakyan na pangunahing bumiyahe ng maayos sa kahabaan ng Edsa.

Sabi ni Gunnacao, matagal nang may utos nang pagbabawal sa mga tricycle at pedicab sa Edsa at iba pang pangunahing kalsada pero hindi nagawang mapi­gilan ng mga itinalagang tropa ng MMDA dahil pumapalag ang mga ito kapag hinuhuli o pinagbabawalan.

Tatlo hanggang apat na miyembro ng MMDA lamang anya ang itinatalaga sa bawat lansangan kumpara sa grupo ng mga tricycle kung kaya minsan ay natatakot na rin ang mga ito at hinahayaan na rin silang bumiyahe kahit bawal.

Pero sa ngayon, giit ni Gunnacao, hindi na umano­ maaari ang ganitong sis­tema at ipapatupad nila ng mahigpit ang naayon sa batas upang maging maayos ang daloy ng mga sasakyan at makaiwas na rin ang mga pasahero ng mga ito sa posibleng kapahamakan.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNA

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDSA

GUNNACAO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE HIGHWAY PATROL GROUP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with