MANILA, Philippines – Ginalugad ng mga tauhan ng Manila Traffic and Par-king Bureau (MTPB) ang iba’t ibang lugar sa Maynila kung saan isinagawa ang clearing operations.
Kabilang sa mga lugar ay Ruby St; Granate St. at Topacio St. panulukan ng Zobel Roxas St.; Ma. Orosa; ilalim ng Legarda flyover; Tayuman St.; Rizal Ave; Quiricada St.; Taft Ave. at Quezon Ave. sa Quiapo.
Ayon kay MTPB Director Carter Don Logica, ang clea-ring operation ay isinagawa laban sa mga illegally park vehicles at mga obstruction sa ilang mga kalsada na maaari pang daanan o alternate route ng mga sasakyan.
Sinabi ni Logica na ang kanilang puspusang clea-ring operation ay bilang tulong sa ginagawa ng pamahalaan upang maibsan ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa ilang mga pangunahing kalsada.
Nabatid na personal na pagmamando sa mga sasakyan ang ginagawa ni Logica upang mapabilis ang daloy ng mga sasakyan partikular na ang mga public utility vehicles.
Partikular na tinukoy ni Logica ang panulukan ng Recto at Abad Santos kung saan mismong sa gitna ng mga kalsada nagbababa at nagsasakay ang mga PUJ.
Paliwanag ni Logica, kai-langan na sanayin ang mga driver ng tamang lugar ng babaan at sakayan ng mga pasahero.
Giit ni Logica, nais lamang nilang sumunod ang lahat ng motorista sa batas trapiko upang maiwasan ang anumang abala at aksidente.