Selosong bf ng kasambahay arestado mag-amo tinodas sa sakal

Police line

MANILA, Philippines – Kapwa  patay ang mag-amo  matapos silang sakalin at lunurin sa tubig sa planggana ng boyfriend ng isa sa mga biktima dahil nalaman ng suspek na may ibang lover ito kamakalawa sa Parañaque City.

Dead on the spot ang biktimang sina Erudita Santos, 91, isang dentista, ng Magnolia St., Sun Valley Subdivision, Brgy.  Sun Valley ng naturang lungsod matapos sakalin at takpan ng unan ang mukha nito.

Kaagad ding nasawi ang kasambahay nitong si Ma. Joy Mendeza, na sinakal at nilunod sa isang plangganang tubig. Nakakulong naman sa Parañaque City Police ang boyfriend ni Mendeza, na si Christian Soneja, 24, stay-in factory worker sa Brgy. Sun Valley ng naturang siyudad na sinampahan ng kasong double murder.

Ayon sa natanggap na report ni Senior. Supt. Ariel Andrande, alas-2:00 ng hapon nang madiskubre ang mga bangkay ng biktima ng isang Susan, caretaker ni Santos.

Nabatid na si Santos ay natagpuan sa loob ng kuwar­to nito, samantalang si Mendeza ay natagpuan naman  sa loob ng comfort room.

Ayon  kay Andrade, bago ang naganap na krimen, may tumawag umano sa biktimang si Mendeza at ang suspect na si Soneja na noon ay nasa bahay ni Santos ang siyang sumagot.

Dito nadiskubre na ang lalaking tumatawag sakasintahan ay lover nito kung kaya’t nagselos ang suspect kung saan nagkaroon nang pagtatalo kay Mendeza. Hinila ni Soneja patungong comfort room  si Mendeza at dito niya sinakal at nilunod sa isang plangganang tubig hanggang sa bawian ng buhay.

Nakita naman ni Santos ang ginawang pagpatay kay Mendeza kaya ito tumakbo sa kuwarto pero hinabol siya ng salarin at siya naman ang pinagbali-ngang patayin.

Kaagad na tumakas ang suspek, subalit sa follow-up operation ng mga guwardya at mga tanod sa Sun Valley Subdivision ay nadakip ang naturang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Show comments