Vendor itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Patay ang isang vege­ta­ble vendor makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang ang una ay nakatayo sa isang kalye sa Brgy. Holy Spirit, lungsod Quezon, ini­ulat kahapon.

Sa ulat, ang biktima ay nakilalang si William Gonzales Jr., 32, ng Saint Andrew, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa may harap ng isang bahay sa Sto. Rosario St., Brgy. Holy Spirit alas-7 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre .45 baril.

Patuloy ang imbestigas­-yon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments