Binata nahagip ng tren, kritikal

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kon­disyon ang isang 29-anyos na binata nang mahagip ng rumaragasang tren ng Phi-lippine National Railways (PNR) habang papa­tawid sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alden Abogade, residente ng  Martin de Por­res, Cubao, Quezon City.

Alas-9:00 ng umaga, nang maganap ang insidente sa PNR railroad sa bahagi ng G.Tuazon St., Sampaloc.

Nabatid na tumilapon pa ng  Ilang metro ang  biktima kaya matinding bagok sa ulo ang tinamo.

Biyaheng Alabang ang tren na tinangkang unahan ng biktima sa pagtawid kaya ito nahagip.

Show comments