‘It’s final, magme-mayor ako uli’ -- Erap

Sa panayam kay Manila Mayor Joseph Estrada, sinabi nito na umaasa siyang pawang mga development at pag-unlad ng Maynila ang kanyang ibibigay sa mga Manilenyo. File photo

MANILA, Philippines – ‘Pinal na ito, mayor uli ang tatakbuhan ko.’

Ito ang pagtiyak ni Manila Mayor Joseph Estrada kung saan sinabi nito na kailangan pa rin siya ng lungsod upang tuluyang maibalik ang sigla nito sa susunod na tatlong taon.

Sa panayam kay Estrada, sinabi nito na umaasa siyang pawang mga development at pag-unlad ng Maynila ang kanyang ibibigay sa mga Manilenyo.

Bagama’t inamin ni Estrada na pagbabayad ng utang  ang kanilang inasikaso sa loob ng dalawang taon, ang mga susunod na taon naman ma­ra­ramdaman ng taga-May­­nila ang  pagbabalik ng ‘Pearl of the Orient’.

Malaki aniya ang kanyang utang na loob kay Manila Vice Mayor Isko Moreno at sa konseho dahil sa pagtulong ng mga ito upang  mabayaran ang kanilang mga utang kabilang na ang Meralco, Maynilad at SSS ng mga empleyado.

Sinabi rin ni Estrada na  suportado din ni Moreno ang kanyang muling pagtakbo sa susunod na halalan kung saan gayundin umano siya dito sa pagtakbo nito  bilang  senador.

Show comments