MANILA, Philippines – Ipinagbabawal na ng mga awtoridad ang pagpasok ng martilyo sa loob ng mall at iba pang establisimyento na nasasakupan ng Estern Police District. (EPD).
Napagkasunduan ng EPD at Metro East Coordinating Council ang pagbabawal na pagpasok ng martilyo ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Sinabi ni EPD-director Sr. Supt. Elmer Jamias, nagkaroon na sila ng kasuduan sa mga security manager ng malls, hotels, at restaurants na sakop ng Metro Manila East para sa seguridad nang mga parukyano.
Sa nabanggit na pulong ay nagpalitan din ng security protocol ang pulis at mga may-ari ng mall. Nakabantay sa loob ng mall ang security guards habang sa labas naman nakaposte ang police assistance desk at iba pang patrol personnel.
Nasa direktiba rin ng pamunuan ng mga mall ang pagbabawal na magsuot ng sumbrero at shades upang makita ang mukha ng lahat ng pumapasok sa loob.
Ayon kay Jamias, sa tuwing sumasapit ang Ber months ay lumalaki ang bilang ng mga nagaganap na insidente ng pagnanakaw kaya naka-alerto ang kanyang nga tauahan.