^

Metro

Walang sisinuhin sa EDSA: Pulis, sundalo huli sa traffic violations

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa loob lamang ng isang oras at kalahati, 15 traffic violators kabilang ang isang opisyal ng pulisya at isang sundalo ang nahuli ng mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Groups (PNP-HPG)  sa patuloy na pagmamando ng trapiko sa anim na chokepoints sa kahabaan ng EDSA kahapon .

Ito ang inihayag kahapon ni Senior Supt. Sheldon Jacaban, Deputy Director for Administration ng PNP-HPG na siya mismong nanguna para sampulan ang mga motoris­tang lumalabag sa trapiko.

“It means we  will implement traffic rules and regulations kahit sino pa ang mag-violate”, ani Jacaban na sinabing seryoso ang PNP-HPG sa pagpapatupad ng disiplina sa 123 kilometrong EDSA.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay nasa daan-daan na ang nahuhuling mga pasa­way na motorista sa EDSA kung saan noong nakalipas na linggo lamang ay umabot na ito sa 274 katao.  Nitong Lunes ay sinimulan na ng PNP-HPG na mag-isyu ng ticket sa mga motoristang lumalabag sa trapiko.

Gayunman, tumanggi si Jacaban na tukuyin ang mga pangalan ng opisyal ng pulisya at sundalo na lumabag sa batas trapiko na sinabi lamang nitong may ranggong SPO4 at isang Sarhento ng AFP na nag-counterflow sa EDSA-Santolan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DEPUTY DIRECTOR

GAYUNMAN

HIGHWAY PATROL GROUPS

ITO

JACABAN

NITONG LUNES

SANTOLAN

SENIOR SUPT

SHELDON JACABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with