^

Metro

Olivarez sa PNP: Baclaran linisin!

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang chief of police ng lungsod na linisin ang Bacla­ran hindi lamang sa operasyon ng  mga sindikato na regular na nangongolekta ng tong mula sa mga illegal vendors kundi maging sa lahat ng uri ng krimen o mga kawatan na nag-ooperate rito.

Inatasan din ni Olivarez si Senior Supt. Ariel Andrade na gumawa ng mga hakbangin na lulutas sa matin­ding trapik at talamak na krimen na naglipana sa Redemptorist Road, Quirino Ave­nue gayundin sa service road ng Roxas Boulevard.

Napag-alaman ng alkalde­ na pagpasok ng “ber months” ay nagsulputang parang kabute ang libu-libong illegal vendors na ang iba’y mga dayuhan. Sinasabing protek­tado umano sila ng tinaguriang “Baclaran 7” gang sa naturang lugar.

Sabi ng mga vendor, nagbabayad kada araw sa mga lider ng “Baclaran 7”, kapalit ng pagtitinda sa lugar. Kontrolado umano ng grupo ang lugar at nagreremit sa ilang personalidad sa Parañaque kada linggo.

Ibinunyag din ng mga stall owners na regular silang nagre-remit ng halagang P300 araw-araw sa isang “Jojo”; isang “Eve; alias “konsehala”, na 20 years ng kolektor at “Adam”, runner ng isang ranking police official sa southern district.

Sa pangamba sa kanilang buhay, tumanggi na ang mga vendor na pangalanan ang tatlo pang lider ng sin­dikato na sinasabing mga opis­yal mula sa mga tanggapan ng gobyerno”. Nasa 300 vendors lang ang nagbabayad ng tax sa city hall, habang nasa 1,000 ay iligal, ayon sa city hall records.

ACIRC

ANG

ARIEL ANDRADE

ATILDE

BACLARAN

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

INATASAN

MGA

QUIRINO AVE

REDEMPTORIST ROAD

ROXAS BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with