^

Metro

Petisyon vs Uber at Grabcar, isinampa sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsampa ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) ang transport group na 1 Utak upang kanselahin ang operasyon ng Transpor­tation Network Company na Uber at Grabcar.

Binigyang diin ng 1 Utak na dapat nang kanselahin ng LTFRB ang naibigay na akreditasyon ng ahensiya sa ope­rasyon ng Uber at Grabcar dahilan sa hindi dito ligtas ang kapakanan ng mga pasahero dahil wala silang franchise at wala ding proteksiyon ang mga pasahero nito dahil hindi nareregulate ng LTFRB ang pasahe sa kanilang operasyon.

Ang Uber at Grabcar ay nabigyan ng akreditasyon ng LTFRB na nilagdaan ni LTFRB Chairman Winstons Gines, boardmember Ronaldo Corpuz at executive director Ro­berto Cabrera  bilang TNC o mga on-line private cars na nagsa­sakay ng mga pasahero sa kani-kanilang destinas­yon pero wala silang franchise na ibig sabihin walang insu­rance ang mga pasahero oras na maaksidente ang sasak­yan. Tanging si LTFRB boardmember Ariel Inton ang hindi lumagda sa akreditasyon ng Uber at Grabcar .

Pagsakay mo sa Uber at Grabcar taxi ay P70.00 agad ang flagdown ng pasahe at computerized na agad kung magkano ang ibabayad dito ng pasahero sa oras na sumakay dito.

Katwiran ng 1 Utak, walang dahilan na mabigyan ng provisional authority to operate ang naturang mga on-line private cars.

Oras namang mailatag sa LTFRB board ang naturang petisyon ay bibigyan ng 15 araw ang Uber at Grabcar para sagutin ang petisyon ng 1Utak at pagkatapos ay isasalang sila sa serye ng public hearing para sa kaukulang reko­mendasyon ng ahensiya hinggil sa operasyon ng naturang mga on-line for-hire units.

ACIRC

ANG

ANG UBER

ARIEL INTON

CHAIRMAN WINSTONS GINES

GRABCAR

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

SHY

UBER

UTAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with