Tolentino walang ‘political will’
MANILA, Philippines – Maituturing na walang “political will” ang kasalukuyang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pamahalaan ang naturang ahensiya.?
Ito’y matapos aminin ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na bigo silang linisin ang mga nagkalat na sidewalk vendor, na isa pa rin sa nakadagdag sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila. ??
Tinukoy ni Tolentino na bigo nilang malinis ang mga illegal sidewalk vendor sa ilang lugar sa Metro Manila, tulad sa area ng Balintawak sa Quezon City.?
Subalit, nang mag-take over ang Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa EDSA ay naitaboy ng mga ito ang mga illegal sidewalk vendor sa naturang lugar. Nabatid, na ang traffic obstruction ay isa sa mga pangunahing dahilan ng masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila lalu na sa EDSA.?
Ayon sa mga motorista, hinintay pa aniya na ang HPG ang mag-take-over na indikasyon wala palang political will si Tolentino na pamahalaan ang naturang ahensiya.
- Latest