^

Metro

MRT, 2 ulit nasira sa rush hour

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang ulit na naantala ang operasyon ng Me­tro Rail Transit (MRT-3) sa kasagsagan pa naman ng rush hour Biyernes ng gabi.

Nabatid na unang natigil ang operasyon ng tren dakong alas-7:00 ng gabi na nasundan pa dakong alas-8:30.

Ayon sa mga personnel ng MRT-3, ang interruption ng serbisyo ng tren ay nag-ugat sa pagkakaroon ng problema ng signaling system nito sa pagitan ng Ortigas at Guadalupe MRT stations.

Pasado alas-10:00 na ng gabi nang tuluyang ma­resolba ang problema at magbalik sa normal ang operasyon ng  MRT-3.

Dahil sa aberya ay napilitan na lamang maghanap ng alternatibong masasak­yan ang libu-libong regular na pasahero ng MRT-3.

Ang MRT-3 ay nag-uugnay sa Nort Avenue station Edsa, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Edsa, Pasay City at vice versa.

ACIRC

ANG

AYON

BIYERNES

DAHIL

EDSA

NORT AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

RAIL TRANSIT

TAFT AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with