^

Metro

Away pamilya: 2 patay, 1 kritikal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagtatagain ng pamangking lalaki ng isa sa mga biktima dahil sa away sa pamilya.

Dead on the spot si Nestor Juan, 47, negosyante, na­ka­tira sa Brgy. Central Signal ng naturang lungsod sanhi ng tinamong maraming
taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ang driver nitong  si Michael Bagares, 33, ay binawian naman ng buhay habang ginagamot sa Ta-guig-Pateros District Hospital sanhi rin ng mga tinamong taga sa katawan.

Ginagamot naman sa naturang ospital dahil sa maselang kalagayan ang misis  ni Nestor na si Jocelyn Juan, 37. Nakakulong naman sa Taguig City Police detention cell ang suspek na si Raymart Cabacang, 21, na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon kay Senior Supt. Arthur Felix Asis, naganap ang insidente alas-3:15 ng madaling-araw sa tindahan ng mga Juan sa Purok 14, Damayan Area, Zone 3, Brgy. Central Signal ng naturang lungsod habang ang mga biktima ay nagpapahinga nang  bigla na lamang duma-ting ang suspek na armado ng jungle bolo at walang salitang pinagtataga ang mga ito.

Kaagad na nasawi si Nestor;  ang misis nitong si  Jocelyn at driver na si  Bagares ay naisugod pa sa naturang ospital, subalit binawian din ng buhay ang huli.

Napag-alaman na pa­mang­kin ni Nestor ang suspek at dahil sa awayan sa pamilya ang dahilan nito kung ba­kit nito pinagtataga ang mga biktima at nadamay lamang ang mag-asawa.

Ang suspek naman ay nada-kip ng pulisya sa isang follow-up operation na todo tanggi naman ito sa krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTHUR FELIX ASIS

BRGY

CENTRAL SIGNAL

DAMAYAN AREA

JOCELYN JUAN

MICHAEL BAGARES

NESTOR JUAN

PATEROS DISTRICT HOSPITAL

RAYMART CABACANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with